“Paglagay sa WPP ni Napoles, panggigipit sa oposisyon” — Hontiveros

Image from Sen. Risa Hontiveros' Facebook account

Naniniwala si Senador Risa Hontiveros na maaaring gamitin ng administrasyong Duterte si Janet Lim Napoles upang  gipitin at takutin ang oposisyon na kapanalig upang hindi bumalimbing.

Nitong Marso 16, isinailalim ang diumano’y pork barrel scam mastermind na si Napoles sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice.

Ayon sa Senador, hindi ito nakagugulat dahil nagawa na sa mga convicted at self-confessed drug lord na ginamit na testigo laban sa mga taga-oposisyon tulad ni Senadora Leila De Lima.

 “I would not be surprised if Napoles would also be used as a political weapon to further harass the other members of the political opposition and create a chilling effect,” ayon kay Hontiveros.

Puwede rin umanong pagbantaan na idadamay sa pork barrel scam ang mga taga-administrasyon na kokontra sa gusto ng Pangulo; ayon sa ulat ng Abante.

Posible umanong pagbantaan na idadawit sa pork barrel scam ang mga taga-administrasyon na sasalungat sa nais ng Pangulo.

Napoles could also be used a means to enforce loyalty within the Duterte camp. All those who would have strong opinions against the government’s policies and the President himself could easily be included in Napoles’ pork barrel list,” saad pa nito.

Kinondena naman ng Senador ang trato ng administrasyon kay Napoles.

Samantala sinabi naman ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi makaaapekto  sa mga pending na kaso ni Napoles ang pagsasailalim sa kansya sa WPP.

Fact-checked against the following source(s) :

Abante, Rappler, Inquirer