Pagmamakaawa ni Cardo Dalisay kay Alyana, umani ng samu’t saring reaksiyon

Image capture from ABS CBN video

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagmamakaawa ni Ricardo Dalisay sa kanyang misis na si Alyana na sila’y magkaayos.

Sa March 16 episode ng ‘FPJ Ang Probinsiyano’ talaga namang aagos ang iyong luha sa ginawa ni Cardo upang magkaayos sila ng kanyang kabiyak.

Kung gaano siya katapang sa kanyang mga kalaban ay kabaligtaran naman sa pagharap nito kay Alyana. Sa tagpong ito ay isinauli na ni Alyana ang kaniyang wedding ring kay Cardo. Hudyat na kaya ito ng  tuluyang pagwawakas ng kanilang relasyon?

Samantala, hati naman ang reaksiyon ng mga netizens sa sitwayon nina Cardo at Alyana.

May ilang nakisimpatya kay Cardo at may ilan namang kinamumuhian na si Alyana. Paliwanag ng ilang netizens, hindi dapat nag-boyfriend si Alyana dahil kasal pa sila ni Cardo.

May mga natuwa naman sa role na ito Alyana; anang netizens ay napakaepektibo ng kanyang pagganap sa naturang teleserye.

Image capture from ABS CBN video
Image capture from ABS CBN video

 

Komento ng ilang netizen:

‘WAG MAGMAHAL NG BABAENG MALA- “ALYANA DALISAY”

Siya yung tipo ng babaeng hindi marunong maghintay. Yung may asawa pero naglalandi sa iba. Palibhasa matagal na siyang tuyot. Antagal niya rin kasing hindi nadiligan. Kaya ayun naghanap ng iba. Siya yung babae na hindi marunong makuntento sa isa. Timer siya. Hindi niya mahalik-halikan si Cardo tapos siya nakikipaghalikan dun sa boss niya.

That’s all thank youuuugh! 😂😂

Ps. Wala po akong ipinaglalaban. skl lang talaga to.“

“Anyare sayo Alyana Dalisay? Hindi ka loyal! Booooh!”

Panoorin ang video na ito ng “FPJ Ang Probinsiyano

Fact-checked against the following source(s) :

ABS CBN, YouTube