‘Pinoy Sakuragi’ Marc Pingris, nakalabas na ng ospital; nagpasalamat sa mga nagdasal

Mga imahe mula sa Instagram account ni @jeanmarc15

Nakalabas na ng ospital at nakauwi na ang tinaguriang “Pinoy Sakuragi” na si Marc Pingris, matapos siyang bigyan ng atensyong medikal dahil sa natamong injury sa isang game kamakailan.

Sa Instagram, nag-post si Pingris ng larawan nila ng kanyang asawa na si Danica Sotto. Bagama’t may dalang saklay at balot pa rin ang parteng may injury, nakangiti ang basketball star sa litrato.

“Going home today,” aniya sa caption ng larawan. [Uuwi na ngayong araw.]

Kasunod nito ay pinasalamatan ni Pingris ang Panginoon at ang lahat ng nanalangin para sa kanyang recovery.

“Thank you Lord and to everyone who prayed for me. Salamat nang marami sa inyo!” pahayag niya.

[Salamat, Panginoon at sa lahat ng nagdasal para sa akin. Salamat nang marami sa inyo!]

Going home today🏡 Thank you Lord and to everyone who prayed for me. Salamat ng marami sa inyo! #pusongpingris #pinoysakuragi15🏀💪

A post shared by Marc Pingris (@jeanmarc15) on

Matatandaan na sa game 1 ng serye noong Marso 10 ay nagtamo si Pingris ng ACL (anterior cruciate ligament) sa kanyang kaliwang tuhod. Siya’y hindi na makababalik sa serye.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Balita DF, YouTube