PMA class of ’18 Valedictorian pinagkalooban ng bahay at lupa ni Villar; agad na nagpakasal makaraan ang graduation rites

Image capture from Judyline Canoneo/ Jaywarden Galilea Hontoria Facebook account

Nagbunga ang sipag at tiyaga!

Tumanggap ng certificate of ownership ng isang unit ng bahay at lupa si Jaywarden Galilea Hontoria, ang nagtapos ng valedictorian ng Philippine Military Academy ngayong 2018 nitong Marso 18.

Si Hontoria ay uuwi sa kanyang bayan sa Iloilo dala ang certificate of ownership ng isang unit ng bahay at lupa.

Ayon sa ulat ng GMA, si Hontoria ang nanguna at nag-uwi ng pinakamaraming parangal sa mga nagsipagtapos na 282 miyembro ng PMA Alab Tala Class of 2018.

Ilan sa mga parangal na ito ay ang Presidential Saber Award na iniabot mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, Philippine Navy Saber at Chief of Staff Saber.

Samantala, ilang oras makaraan ang graduation rites sa PMA ay agad namang tumakbo sa simbahan si Hontoria upang pakasalan ang kanyang college sweetheart na si Loura Fe Dillera.

Fact-checked against the following source(s) :

GMA, ABS CBN, ABS CBN