Robin suportado ang pagtakbo sa senado ni Bong Go

Image by Robin Padilla via Instagram account
  • Todo suporta si Robin Padilla kay Presidential aide Christopher “Bong” Go kung ito ay tatakbo sa senado
  • Nanawagan siya ng pagbabago sa senado
  • Ayon pa sa aktor ay kailangan ng Pangulo ang kanyang pinakamalapit na kapanalig at iyon ay si Go

Suportado ni Robin Padilla si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa pagtakabo bilang senador sa susunod na eleksyon.

Wala pa mang pormal na anunsiyo ang presidential aide ay nagsimula nang magpahayag ng kanilang suporta ang ilang personalidad

Sa Instagram, ipinahayag na ni Robin Padilla ang kanyang pagsali sa “Ready! Set! Go!” o ang impormal na pagkampanya sa pagtakbo ni Go sa senado. Suot ang t-shirt na may markang “I am with Duterte” at “JustGOit,” ay nanawagan siya ng pagbabago sa senado.

Ayon pa sa aktor, “Kailangan ng Pangulo ang kanyang pinakamalapit na kapanalig sa senado upang mapadali/mashort cut ang pagbabago ng sistema ng gobyerno. Hindi natin magagawa ito nang puro satsat.”

Dagdag pa niya, “Tayo lamang ang makapagdadala ng pagbabago sapagkat sa atin magmumula ang pagbabago! Kayat Una nating baguhin ang mga mukha ng mga nasa senado.”

Fact-checked against the following source(s) :

The Filipino Times, Instagram