Sa kabila ng career threatening injury; Pingris binigyan ng panibagong kontrata ng Magnolia

Image capture from Marc Pingris Instagram account/File Photo

Kumpiyansa si Magnolia Team Governor Rene Pardo na muling makababalik si Marc Jean Pingris sa kanyang koponan makaraang magtamo ng career threatening injury sa  Game one ng Magnolia Ang Pambansang Manok at NLEX para sa best-of-seven semis playoffs ng PBA Philippine Cup.

Matatandaan na noong Marso 10 ay nagtamo si Pingris ng ACL (anterior cruciate ligament) sa kanyang kaliwang tuhod. Siya’y hindi na makababalik sa serye.

Ngunit binigyan pa rin ng panibagong kontrata si ‘Pinoy Sakuragi’ ng kanyang koponan, ayon sa ulat ng Abante.

Good as renewed na ang contract ni Ping,” ayon kay Pardo.

Sabi ko sa kanya, don’t worry about your contract. Just focus on ­getting better.”

Salaysay ni Pardo, ang tinamong ACL  sa kaliwang tuhod ay parehong injury din niya noong naglalaro pa sa Philippine Youth team, dalawampung taon na ang nakalilipas.

Samantala, nakalabas na ng ospital si Pingris ng ospital at kasaluluyan itong nagpapagaling.

Labis din ang kanyang pasasalamat sa mga nananalangin sa kanyang agarang paggaling.

Fact-checked against the following source(s) :

Abante, Spin, Balita DF, Balita DF