Then and Now: Lumang bahay nina Sharon at Gabby, binisita ng isang fan

Mga imahe mula sa Instagram accounts ni @tetsy1013 at ng @megamindonliners

Dahil sa reunion McDo commercial ng ShaGab, maraming fans ang nakaramdam ng nostalgia at pagka-miss sa samahan ng dating reel-to-real couple na sina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Nagsimulang maglabasan sa social media ang mga lumang litrato ng dalawa at ang mga clippings mula sa magasin at pahayagan. Mayroon din mga nanonood muli ng mga pelikula ng nasabing tambalan.

At nitong nakaraan, binisita naman ng isang fan ang bahay na tinitirahan noon ng dating mag-asawang sina Cuneta at Concepcion — ang bahay na siya raw “piping saksi” sa pagmamahalan ng ShaGab na nilipasan na ng panahon.

“ShaGab @reallysharoncuneta @concepciongabby home sweet home, ang tanging pepeng saksi ng pagmamahalan nila noon, huhuhu.. Ang tuwa lang namin talaga kasi natunton ni detective Heidi hehehe, at lalo kaming natuwa na biglang nalungkot sa nakikita namin kasi yong bahay ganun padin, walang binago, walang nirenovate ang tanging nawala lang dun ang kotse ng Shagab na kinumpuni ni Papa Gabs sa garahe at ang gazebo, the rest yon padin, hayyyyy.. Life is so unfair,” saad ng caption ng larawan na ini-upload ng @megamindonliners sa Instagram.

ShaGab @reallysharoncuneta @concepciongabby home sweet home, ang tanging pepeng saksi ng pagmamahalan nila noon, huhuhu.. Ang tuwa lang namin talaga kasi natunton ni detective Heidi hehehe, at lalo kaming natuwa na biglang nalungkot sa nakikita namin kasi yong bahay ganun padin, walang binago, walang nirenovate ang tanging nawala lang dun ang kotse ng Shagab na kinumpuni ni Papa Gabs sa garahe at ang gazebo, the rest yon padin, hayyyyy.. Life is so unfair 😅😅😅 Thank you ulit Sis Heidi sa effort mo kahit nawala na ang pose mo sa init kanina sa paglalakad mo para mahanap ang bahay na to, effort is real, good job 👍👍👍 Ang tanong? Nabenta na kaya to o sila padin may-ari? Wala kasing tao ang bahay at naka padlock? #ShaGabHomeSweetHome #AyalaAlabangVillage #ArayatStreet secret na yong number ng house 😊 #SharonCuneta #GabbyConcepcion #ShaGab #MegaMindOnliners Please swipe 👉

A post shared by MMO❤SHARONCUNETA (@megamindonliners) on

Ibinahagi rin ng fan  ang ilang “Then and Now” photos ng bahay.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, Instagram