[Video] Bianca, may grand entrance sa debut niya habang suot ang nagliliwanag na gown

Mga imahe mula sa Instagram account ni @kapusoprgirl

Hindi simple ang naging pagpasok ng aktres na si Bianca Umali sa kanyang 18th birthday celebration na #SimplyBianca — bagkus isang grand entrance ang nangyari dahil sa nagliliwanag na gown na suot niya!

Sa video na ibinahagi ni @kapusoprgirl sa Instagram, makikita kung gaano literal na nag-shine ang “Kambal, Karibal” star na si Umali.

Talk about a grand entrance! Happiest birthday to our lovely debutante @bianxa! ❤️ #SimplyBianca

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

Sa isang press conference para sa kanyang debut, ibinahagi ng aktres na siya mismo ang nagdisenyo ng kanyang main gown.

“’Yung main gown is by a Filipino designer based in Dubai. Her name is Fay Reyes. Kilala siya ng stylist ko, si John Paul Dizon. They worked together because my stylist, of course, alam niya kung ano ang gusto ko…. I had a design in mind noon pa at matagal ko nang ipinakita sa kanya…. Nanggaling po siya (iyong gown) sa Dubai because mahirap po siyang gawin dito,” kuwento niya.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Balita DF