[Video] Cavite Vice Governor Jolo, nagbabalik-pelikula; makatatambal si Rhian

Mga imahe mula sa Instagram account ni @jolo_revilla

Nagbabalik-pelikula si  Cavite Vice Governor Jolo Revilla; na bibida sa isang movie na pagtatambalan nila ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Sa isang panayam sa 24 Oras, ibinahagi nina Revilla at Ramos na bagama’t unang beses silang naging magkatrabaho ay masaya sila at kampante na kaagad sa isa’t isa.

“Medyo, kahit papaano, close na kami. Maayos naman, masarap siya katrabaho, very professional,” wika ni Jolo.

“First time ko na na-experience na ‘yong first day ko ng shooting may bouquet ako ng flowers. So kind and welcoming and such a gentleman. Everyone on the set, I feel that everyone’s taking care of me,” saad naman ni Ramos.

Hindi Pa ibinabahagi ang pamagat at plot ng pelikula ngunit ibinahagi nila na isang action trilogy ang kinabibilangang proyekto ng dalawa. Kasama rin dito ang iba pang kapatid ni Jolo na sina Brian at Luigi.

Shooting 72hours!🎬#imusproductions #tatakDDS

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

“Nae-enjoy ko talaga, the training experience, ang dami kong natutunan, ang gagaling ng mga nagtuturo,” pagbabahagi pa ni Ramos.

“Parang lahat do’n sa stance at sa form ko pinansin nila so I feel confident na I’m approaching the role na, well, well informed,” dagdag pa niya.

Narito ang buong panayam sa dalawa:

Fact-checked against the following source(s) :

YouTube, Instagram