Zanjoe Marudo, Janella Salvador, Jake Cuenca, at Jericho Rosales, nag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network

Larawan mula sa Instagram account na ABS-CBN Social Media Newsroom

Certified kapamilyas pa rin sina Zanjoe Marudo, Janella Salvador, Jake Cuenca, at Jericho Rosales matapos mag-renew ng kanilang two-year contract sa ABS-CBN Kapamilya Network noong Marso 16, 2018.

Makikita sa official Instagram account na ABS-CBN Social Media Newsroom ang photo ng contract signing ng apat na Kapamilya stars kasama ang big bosses ng Kapamilya network.

Nakahain na agad ang kani-kanilang mga proyekto sa Kapamilya Network. Huling proyekto ni Zanjoe Marudo ang teleseryeng Dear Heart katambal si Bela Padilla at isang episode ng Maalaala Mo Kaya na tumatalakay sa isang bayaning sundalo sa Marawi kasama naman si Kim Chiu. Inaasahang magtatambal sila ni Angelica Panganiban sa isang family-oriented teleserye na may working title na “Play House.”

Zanjoe Marudo will be paired with Angelica Panganiban in the upcoming family-oriented soap opera entitled "Play House."

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

Patuloy namang kinakikiligan ang tambalang ElNella nina Elmo Magalona at Janella Salvador na huling napanood sa Wansapanataym presents Jasmin’s Flower Power. Isang teleserye ang niluluto para sa kanya at kabilang pa rin siya sa Sunday musical variety show na ASAP.

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, Instagram, Instagram, Instagram