Ama ni Raffa ‘di pine-pressure si Joaquin na pakasalan ang anak, ‘Sabi ko, ‘When you’re ready!”

raffa joaquin

Ikinagulat man ng lahat ang pagkakaroon ng anak nina Raffa Castro at Joaquin Domagoso, suportado naman ng kanilang mga magulang ang pag-aalaga nila sa supling na si Scott Angelo Domagoso, na isinilang sa FEU Medical Center sa Quezon City noong April 28, 2022.

Bukod pa rito, kung tatanungin naman ang ama ni Raffa, ang actor-turned-news anchor na si Diego Castro, hindi raw ito naglalagay ng pressure kay Joaquin, na anak naman ni former Manila Mayor Isko Moreno.

Nang makausap ng Push, ikinuwento ni Diego na bagama’t hindi pa natutuloy ang pagkikita nila ni Isko, masaya siya sa desisyon ni Joaquin na panindigan ang kanyang bunsong anak.

raffa joaquin

“We were supposed to meet long time ago kaso nag-campaign siya tapos ako bago sa work ko sa news, so, ang schedule namin magkasalungat pero with Joaquin, siya yung nakakausap ko,” pagbabahagi niya. “Tapos after ng election nag-vacation na sila Yorme, so, siguro sometime soon magkikita-kita for lunch…we played by ear.”

Sa ngayon, sapat na kay Diego ang pagiging responsable ng dalawa. Ayaw daw nitong i-pressure ang mga ito at hayaan na lamang kung magpaplano na magpakasal.

raffa joaquin

“Ayoko silang i-pressure kasi ang importante yung family ng anak ko at family ni JD (tawag kay Joaquin) masaya. Kasi siyempre, may mga problems na kailangang ayusin mga bata pa sila. Ang importante nando’n ako for them, nando’n si Isko for them kahit hindi pa po kami nagkikita okay na yon,” aniya.

Hindi rin daw niya iniisip na obligahin si Joaquin na pakasalan ang kanyang anak dahil lamang sa nabuntis ito.

“They asked me kung anong opinion, sabi ko kay JD na it’s because you got my daughter pregnant you’re force to get married,” wika niya. “Sabi ko, ‘When you’re ready!’ Kasi alam ko ‘yan, nangyari sa akin ‘yan, e. So, I don’t want them to commit the same mistakes.”

raffa joaquin