Construction worker na rumarampa a la Catriona Gray, certified pampa-good vibes

Kahit anuman ang hinaharap ng mga Pilipino—krisis man o mga pagsub0k—hindi nauubusan ang mga ito upang humanap ng paraan para aliwin ang sarili; gayundin ang magbigay ng kasiyahan sa iba.

Ito ang pinatunayan ng isang manggagawa sa construction site dahil sa kanyang mga nakaka-good vibes na upload sa social media. Ang bruskong construction worker, ipinamalas ang kanyang husay sa pagrampa a la Miss Universe.

Trending ngayon sa TikTok at Facebook ang mga video ng tinaguriang “rampadorang construction worker” na si Roel Obianda Estacion. Sa kanyang mga upload, ibinibida ni Roel ang kanyang bersyon ng ‘Lava Walk’ ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kanyang trending videos, makikitang habang break time sa construction site, ginagawang runway ni Roel ang kanilang ginagawang mga istruktura. Suot ang kanyang uniporme sa trabaho, itinataas niya ito nang bahagya upang magmistulang two-piece bikini tulad ng swimsuit competition sa Miss Universe.

Ang bruskong pintor ng construction, talagang nagta-transform bilang beauty queen dahil sa napakahusay nitong pagrampa. Maraming followers nga niya ang nagsasabing mas mahusay pa siyang maglakad kaysa sa ilang kandidata sa mga kilalang pageant.

Ayon kay Roel, 28 anyos mula sa Parañaque City, nagsimula lang daw sa biruan ng kanyang mga kasamahan ang paggawa niya ng video. Dahil pumatok, tinuloy-tuloy na niya ito at buo naman ang suporta sa kanya ng kanyang mga kabaro.

Lumalabas din ang pagkamalikhain ni Roel dahil ang mga materyales at equipment sa construction site ay ginagawa niyang mistulang stage. Para todong-todo ang panggagaya sa Miss Universe candidates, naglalagay din siya kung minsan ng hagdan para ipakita ang talento sa pagrampa habang bumababa rito.

Kung minsan, kasama pa ni Roel sa kanyang videos ang mga kasamahan na game na game din sa pagrampa. Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang halos 700,000 likes ang videos ni Roel sa TikTok.

Nagpapasalamat naman siya sa mga sumusuporta sa kanya at sa magagandang komentong natatanggap niya mula sa mga netizens na napasasaya niya.

Panoorin ang isa sa mga kab0g na video ni Roel aka ‘The Construction Queen’:

Be the first to comment on "Construction worker na rumarampa a la Catriona Gray, certified pampa-good vibes"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*