Pinoy memories: Inabutan mo ba ang popular na Darigold milk?

darigold

Sino nga ba ang makalilimot sa sikat na sikat na Darigold milk noon? Ilang dekada na rin ang nakararaan pero sariwa pa rin sa alaala ng marami ang popular evaporated filled milk noon na madalas ginagamit ng mga Pinoy noon bilang inumin, panluto, pampasarap ng mga panghimagas, at iba pa.

darigold

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng mga miyembro ang mga sandaling halos lahat ng pamilyang Pinoy ay gumagamit ng Darigold; idagdag pa ang pagka-hook nila noon sa commercial nito.

“Do you still remember DARIGOLD Milk? The most preferred and the largest-selling milk in the late 1950s. It was a staple milk product that one could easily find in Filipino homes, used in almost everything—for drinking, creaming, cooking, and enriching halo-halo, leche flan, and other dreamy desserts,” saad ng nag-post sa caption ng lumang advertisement nito na ibinahagi niya sa grupo.

darigold

Agad naman nag-iwan ng kumento ang mga iba pang miyembro.

“Noong bata pa kami, apat pa lang kaming magkakapatid, sasandok ang mama namin ng kanin sa isang malaking pinggang lata na may kulay sa gilid, tapos bubuhusan niya ng gatas na Darigold at lalagyan niya ng asukal. Tapos iyon na, susubuan na niya kami isa-isa para hindi kami magkalat. Iyon ang ulam namin, ang sarap!” sabi ni E. C. Chupoco.

“Ito iyong naririnig ko sa radyo noong bata pa ako,” paggunita ni I. Julie. “Gusto ko ang gatas na Darigold, Darigold, Darigold, ang Darigold ang lagi ninyong bilhin!”

“I can still remember the jingle! Gusto ko ng gatas na Darigold, Darigold. Gusto ko ng gatas na Darigold, ang Darigold ang siyang laging bilhin!” ani F. Bernaldez.

darigold

Kuwento naman ni R. Faigal, “Darigold kids kami ng sisters ko. Mga kakarera ko sa three-wheeled bisikleta ang mga cousin ko na for Liberty milk naman. Darigold vs Liberty! Ang saya! Mas enjoy pa ang mga parent, titos, and titas. Hahaha!”