Pasukan na naman. Maraming mag-aaral ang nasabik makabalik sa paaralan na itinuturing na pangalawang tahanan.
Kaugnay dito, kinagigiliwan ngayon ng mga netizens ang Room No. 8 ng Dimasalang National High School sa Masbate na super ‘bonggang-bongga’ ang dating.
“Welcome to Dimasalang NHS Room No. 8 Ready na for SY. 2022-2023 Para sa Bata, Para sa Bayan”. Ito ang masayang Facebook post ng guro na si Arturo Grafilo ng nasabing paaralan sa Masbate.
Ang guro sa Dimasalang National High School ay umani ng mga papuri mula sa mga netizens dahil naisipan niyang gawin model ng bahay ang kanilang classroom. Dahil mahabahaba rin ang panahon na nawala ang pormal na klase sa ating buhay ay naisipan niyang pagandahin at ayusan ang naturang classroom.
Si Sir Grafilo ay nagmula sa Dimasalang, Masbate at nagtuturo siya sa sekondarya ng DNHS.
“Since po kasi medyo matagal din po bago nakabalik ang mga bata sa school, naisipan ko pong bakit di ko gawing ‘Classhome’ ang room para di po mabigla ang mga bata,” pagbabahagi ng guro sa kanyang post.
Umani siya ng mga samu’t saring papuri mula sa mga netizens tulad ng:
Pinaghandaan niya nang todo at ginawa niyang espesyal ang pagbabalik-eskwela ngayong School Year 2022-2023. Hindi lang basta classroom; bagkus ginawa niyang CLASSHOME ang silid-aralan. Ginawa niya ito para magbigay ng inspirasyon at motibasyon sa mga batang papasok na magsipag sa pag-aaral.
Nagbigay sya ng mga ideya sa mga netizens kung paano bibigyang-kulay ang isang silid-aralan na matagal ding nabakante. Ipinakita niya ang kanyang galing sa pag-iisip at pagkamalikhain, at kung paano niya pinasigla at binigyang-liwanag ang isang silid-aralan na tila nabalot ng kalungkutan sa panahon ng pandemya.
Maliban sa sariling pera, may dalawang stakeholders aniya ang tumulong at sumuporta sa kaniya sa pagbili ng mga gamit para sa classroom at dahil dito ay labis ang kaniyang pasasalamat.
Nagpasalamat din siya sa mga naka-appreciate, tumulong at sumuporta sa kaniyang proyekto.
Panoorin: