Mayroon na namang aabangan ang mga suki ng website na Netflix. Ito ay ang ‘All of Us Are Dead’ series.
Ang Netflix original na ‘All of Us Are Dead‘ ay isang live-action adaptation ng sikat na Korean webtoon na ‘Now at Our School’ na sinulat ni Joo Dong-geun at nalathala mula Mayo 2009 hanggang Nobyembre 2011.

Ang adaptation ay mapapanood na sa Enero 28, 2022.
Ang kuwento ay umiikot sa grupo ng mga mag-aaral na na-trap sa isang paaralan nang magka-zombie outbreak. Ang serye ay nahahati sa walong 40-minute episodes. Ito ay pagbibidahan nina Yoon Chan-young, Park Ji-hoo, Park Solomon at Yoo In-soo.
Tumaas lalo ang popularidad ng South Korean TV matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng Netflix original na ‘Squid Game‘. Walang duda, tiyak na inaasahan ng streaming service na malakas rin ang magiging hatak ng kanilang nalalapit nang ipalabas na zombie series.
Ang South Korea ay may kahanga-hangang kasaysayan pagdating sa paggawa ng nakabibilib na Zombie movies. Noong taong 2016, ‘binuhay ng pelikulang ‘Train To Busan‘ ang nananamlay nang genre at ito’y nakatanggap ng matinding pagkilala at pagbubunyi. Pumatok ito sa box office at kumita ng mahigit $98 million.

Sa trailer at teasers pa lang na inilabas ng Netflix, mahihinuha mo nang matindi ang pagkakagawa sa kabuuan ng ‘All of Us Are Dead‘. Walang tipid sa effects. Kapansin-pansin din na hindi na usad pagong ang mga zombies dito gaya ng sa pelikulang ‘The Walking Dead‘.
Ang ‘All of Us Are Dead’ ay isinulat ni Chun Sung-il, at idinirehe ni Lee JG at Kim Nam-su. Sa ilalim ito ng produksyon ng JTBC Studios in association with Film Monster at ito’y magpi-premiere na worldwide, ngunit sa Netflix lamang,
Lima ang pangunahing karakter sa series na ito; sina Chung-san (Yoon Chan-young), On-jo (Park Ji-hoo), Nam-ra (Choi Yi-hyun), Lee Soo-hyuk (Park Solomon) at Yoon Gwi-nam (Yoo In-soo).
Kabilang sa cast ang ilang kilalang Korean actors.

Ayon kay Director Lee Jae Gyu, “Socialized adults make safe choices in dangerous situations, but children make risky choices or judgments to save their friends before such accidents happen.”
Tunay na kaabang-abang ang pelikulang ito!
Tara na’t sumilip sa trailer na ngayon pa lang ay may mahigit 11 milyon nang views:
Be the first to comment on "Handa ka na ba? NETFLIX, may bago na namang pang-blockbuster na series"