Jayda, anak nina Jessa at Dingdong Avanzado, sasabak na rin sa pag-arte

Hindi nakapagtatakang si Jayda – o Janelle Amanda Loyola Avanzado sa tunay na buhay – ay isang mahusay na mang-aawit tulad ng kanyang mga sikat na magulang na sina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado.

Bukod sa pag-awit, ang 19-anyos na dalaga ay susubok na rin sa larangan ng pag-arte.

Bibida siya sa kanyang unang acting role sa isang live series adaptation ng isang sikat na Filipino Wattpad novel.

Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng isang Instagam post kamakailan.

“2 years ago when a certain project was pitched to me by Inang Olive Lamasan and ABS CBN Films, I took the chance to immerse myself into its story, which was from Wattpad; and being a longtime Wattpad reader and a true bookworm at heart, I was hooked and knew from then on that I wanted to be a part of it!”

Pagpapatuloy niya, “That project was called Teen Clash.”

Bakas ang kaligayahan sa kanyang pag-anunsyo na siya ang gaganap sa karakter ni Zoe sa series kung saan ay nagsanib-puwersa ang ABS CBN Films, IWantTFC at Black Sheep.

“So it’s with much happiness that I get to finally announce that I’m taking on the role of Zoe in the series adaptation of Teen Clash!”

Makakasama ni Jayda (bilang Zoe), sina Markus Paterson (na bubuhayin ang karakter ni Jude), at Aljon Mendoza (na gaganap naman bilang Ice).

Bagama’t kinakabahan umano sa kanyang unang acting project, mas lamang daw ang excitement ni Jayda sa bagong adventure kasama ang batang direktor na si Gino Santos.

Aniya, “In all honesty, I am pretty nervous but all the more excited for this new adventure that I’m embarking on with Direk Gino Santos, Aljon and Markus to bring life to this story!”

Samantala, isang proud Dad naman si Dingdong sa bagong career milestone ng kanilang nag-iisang anak.

“This is it! When it rains it pours. Congratulations!!! I am truly excited for you. To God be the Glory!” komento ng ama sa IG post ni Jayda.

Makikita ang excitement ng fans at mga kaibigan sa mga komento nila sa anunsyo ni Jayda. Mayroon ding nanabik sa hit-Wattpad adaptation na ilang taon na rin palang hindi matuloy-tuloy.

Sina Nash Aguas at Alexa Ilacad sana ang mga gaganap kung natuloy ang adaptation noong 2014 base sa naunang anunsyo ng Kapamilya Network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)