Face-to-face yarn? ‘VP Sara’ at ‘Jericho Rosales’, nagkaharap sa isang event

Jayson Ormo a.k.a. Saraul at Junrey Baug a.k.a. Jericho Rosales ng Moncayo (Larawan mula sa FB ni Jayson Ormo)

Ano kaya ang pinag-usapan nina “VP Sara” at “Jericho Rosales” nang magkaharap sila sa kauna-unahang pagkakataon?

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-face-to-face sa isang event ang mga look-alike nina Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte at Jericho Rosales, na sina Jayson Ormo alyas “Saraul” at Junrey Baug o “Jericho Rosales ng Moncayo” na parehong taga-Mindanao.

May be an image of 3 people, people sitting, people standing and indoor

Junrey Baug at Jayson Ormo (Larawan mula sa FB ni Jayson Ormo)

Parehong special guests sa isang event ang dalawa kaya naman napa-“second look” daw ang mga nagsipuntang manonood sa naturang event, nang masilayan nila ang dalawang “stars”.

Napanganga naman daw ang mga tao dahil buong akala nila, mga tunay na personalidad ang mga kaharap nila.

Unang nakilala ng sambayanan si Saraul o Jayson Ormo dahil sa pagiging aktibo niya sa  sortie ng UniTeam sa Mindanao.

Ayon sa panayam ng Balita Online kay Jayson, siya ay nagtatrabaho bilang isang salon hair stylist at freelance make up artist. Bukod dito, isa rin siyang barangay kagawad.

“Nag-start po akong na-recognize as kalook-a-like ni Mayor noong nanalo siya sa pagka-mayor ng Davao. But mas lalong na recognized noong nagka-commercial na si mayor ng Rexidol Forte and nang maging company endorser siya ng NCCC DAVAO na may malaking billboard sa may Bolton Bridge,” salaysay ni Jayson.

May be an image of 3 people and people standing

Junrey Baug at Jayson Ormo (Larawan mula sa FB ni Jayson Ormo)

Ipinangako ni Saraul kay VP Sara na hinding-hindi niya sisirain ang magandang imahe nito, at gagamitin sa magagandang dahilan ang mukha niya.

Samantala, si Junrey Baug naman ay naging viral matapos maispatang palakad-lakad sa isang perya. Matapos nito ay nagtuloy-tuloy na ang pagdating ng mga oportunidad sa kaniya. Sa ngayon ay product endorser na rin si Junrey at naitampok pa sa isang award-winning magazine show.

Basahin: After a makeover and endorsements, Jericho ‘Kuya J’ Rosales’ of Monkayo makes it to KMJS

May be an image of 3 people and people standing

Junrey Baug at Jayson Ormo (Larawan mula sa FB ni Jayson Ormo)

Labis-labis ang pasasalamat sa Diyos at mga tao ni “Junrey Baug” o mas sumikat sa pagiging Jericho Rosales look-alike na talaga namang nakatawag ng pansin sa mga netizen.

Matapos magkaroon ng isang make over ay mas lalo pang lumutang at napansin ang pagiging hawig niya kay Jericho Rosales.

Kahit saan na raw siya magpunta ay nilalapitan siya ng mga tao upang magpa-selfie. Nagpapasalamat na nga raw siya at hindi selosa ang kaniyang misis at nauunawaan naman nito ang kaniyang tinatamasang atensyon at kasikatan ngayon.

Kung may mga natutuwa man, syempre, hindi rin maiiwasang magkaroon ng bashers.

Sa isang panayam, inamin ni Junrey na medyo nasasaktan ang kaniyang kalooban sa mga sinasabi ng mga basher na siya raw ang “Kulang sa paligo” at “Pagod” na bersyon ni Jericho Rosales, subalit minabuti na lamang niyang huwag itong pansinin.

Hangad ni Junrey na balang-araw, sana ay magkaharap naman sila nang personal ng kaniyang “kambal” na si Jericho Rosales.