Marian Rivera, naniniwala sa kakayahan ni Jane de Leon bilang Darna

Isa si Marian Rivera sa mga pinakasikat na pangalang gumanap na Darna. Record-breaking ang ratings ng naging paglipad ni Marian bilang superhero na likha ni Mars Ravelo noong 2009.

Dahil si Marian ang huling naging Darna bago naipalabas ang bersyon ng ABS-CBN, hindi nakaligtas ang Kapuso primetime queen sa kanyang opinyon tungkol sa pagganap ni Jane de Leon, ang Kapamilya Darna.

Sa isang star-studded event ng isang local magazine na dinaluhan ni Marian, natanong siya tungkol sa reaksiyon niya sa pagganap ni Jane sa iconic female role.

Ayon sa misis ni Dingdong Dantes, masaya siya para kay Jane dahil isa raw ang Darna sa pinkamalaki at pinakamagandang role na makukuha ng isang artista.

“Congratulations sa kanya… Para sa akin isa ‘yan sa pinakamagandang proyekto talaga so I’m happy for her,” hayag ni Marian sa nasabing panayam.

Nang tanungin naman si Marian kung anong maibibigay na payo kay Jane, tumanggi ang aktres dahil wala raw siyang karapatang magbigay ng payo dahil kanya-kanya ang pagganap ng bawat artista at naniniwala siya sa kakayahan ni Jane mismo.

“Naku, wala akong karapatang magbigay ng advice dahil naniniwala akong kanya-kanyang character at kanya-kanyang pagganap ‘yan so naniniwala akong kaya niya ‘yan!” dagdag ng 38-year-old actress.

Nagkakilala na noon sina Marian at Jane sa Belo Medical Group. Ibinahagi ng social media pages ng Belo at mismong nina Jane at Marian ang pagkikita ng dalawang Darna na nagyakapan pa. Bagong anunsiyo pa lang noon na si Jane ang gaganap na Darna na natuloy din ang paglipad matapos ang dalawang taong pagkakaudlot.

Masaya rin si Marian na trending pa rin sa social media ang ilang clips ng kanyang pagganap ng Darna kahit mahigit 13 taon na ang lumipas. Si Marian ang ikalawang Darna ng GMA na unang ginampanan ni Angel Locsin noong 2005.

Be the first to comment on "Marian Rivera, naniniwala sa kakayahan ni Jane de Leon bilang Darna"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*