Isang OFW ang nagpanggap na sales agent para surpresahin ang kanyang ina sa Pilipinas sa nalalapit nitong kaarawan. Mas naging masaya ang reunion ng pamilya dahil sa matagal itong hindi nakauwi sa kanila.
Marami na ring nag-viral na mga OFW ang sinurpresa ang kanilang pamilya dahil sa pamamagitan nito ay maaalala nila ang masayang pagkikita nila.
Kamakailan ay ibinahagi ng netizen na si @itchan3d sa TikTok ang advance birthday surprise na natanggap ng kanilang ina mula sa kanilang kapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa at tatlong taon nang hindi nakauwi.
Tulad ng maraming OFW, ang pag-uwi ng kanilang kapatid ay naapektuhan ng pandemya. Kaya naman hindi inaasahan ng kanilang ina ang kanyang pag-uwi.
“So my sister came back to the Philippines after 3 years in abroad due to pandemic and we decided to surprise our mom two days before her birthday,” ayon sa caption ni Itchan.
Para surpresahin ang nanay nila, nagpasya silang magpanggap na sales agent ang kapatid nilang OFW.
Siyempre, hindi mawawala ang mask protocol dahil kailangang magsuot ang bawat isa ng mask, lalo na sa loob ng bahay at sa presensya ng mga hindi kilalang tao.
Ang surpresa ay nangyari sa kanilang tahanan habang ang lahat ay pinaligiran ang mesa para sa paghahanda sa pagpirma ng ina ng dokumento.
Nang umupo ang kanilang ina sa mesa ay agad na nagsimula ang transaksyon at pinirmahan ng kanilang ina ang mga dokumento.
Bagama’t nasulyapan niya ang “sales agent” ay hindi niya ito nakilala.
Matapos mapirmahan ang mga dokumento ay kumuha naman sila ng larawan. Tinanggal na ng ‘sales agent’ ang kanyang suot na mask at sumbrero at hindi na alintana ng ina na ang sales agent ay umakbay sa kanya na parang isang miyembro ng pamilya.
Nang nagkatinginan ang mag-ina ay laking gulat nito na ang kaharap pala niya ay ang kanyang anak, kaya naman nagyakapan sila nang mahigpit at hindi na napigilan g ina ang maging emosyonal. awww
Bakas sa mag-ina ang labis na pagka-miss sa isa’t-isa.
Panoorin ang heartwarming na eksena:
@itchan3d BEST BIRTHDAY SURPRISE EVER FOR OUR MOM. #birthdaypranksurprise #family ♬ MAPA – SB19
Be the first to comment on "OFW nagpanggap na sales agent para surpresahin ang ina sa nalalapit nitong kaarawan"