Nostalgia: Pandesal na may palamang ‘kondensada’, kinasabikan mo rin ba?

Kung ang pag-uusapan ay mga pambansang sagisag, malamang na ang isasagot ng karamihan ukol sa pambansang tinapay ng Pilipinas ay —  pandesal!,

Ang itinuturing kasing simple at karaniwang inaalmusal o miryenda ng karamihan sa mga Pinoy ay ito, lalo na’t bagong luto sa umagang wala pang sikat ng araw.

At kung palaman naman ang babalikan sa alaala, ano nga ba ang madalas at paborito ng marami na ipalaman sa mainit na pandesal bukod sa mantekilya’t asukal noong araw?

Paboritong Palaman

Well, sabi nga sa isang Facebook post sa Nostalgia Philippines, “Kaway-kaway sa mga gumagawa din nito… Pandesal palaman condensed milk…”

Aba, maraming naka-relate at napabalik-tanaw sa panahong iilan lamang ang pinagpipilian nating ipalaman sa pandesal.

“Oh yes, thanks for reminding me… Bukas… Maulit nga…”

“Gusto ko yan tapos malutong yun pandesal.”

“Milkmaid ang palaman namin ng pandesal noong mga bata kami.”

“True, masarap yan sa mainit na pandesal.” Kundi man ipalaman sa gitna ng pandesal ay ginagawa namang sawsawan ng iba ang kondensada.

“Paborito ko yan noong bata pa ako!!! Ang sarap kaya nyan lalo na kung mainit pa yung pandesal!! Ang lalaki pa nman ng pandesal nung bata pa ko sa bakery ng chinese…sa Tundo…Yung New Century Bakery!!! 3singko ang pandesal noon.. busog ka na kc malaman ang mga tinapay noon!!!(emojis) ”

“Hanggang ngayon ginagawa ko pa din yn, Ang magpalaman at magpapak Ng condensed.”

Basahin: Pinoy memories: Inabutan mo ba ang popular na Darigold milk?

“Sarap kaya nyan favorite,” pagbabahagi naman ng iba sabay dagdag ng mga brand ng condensed milk na Liberty at Darigold.

“Nung bata pa ako, ginagawa ko yan. Ngayong matanda na ako, di na puede. Maliban sa diabetes, lactose intolerance pa ako.” Awww hanggang amoy na lang pala ang puwde sa kanya.

Mayroon din namang nagkuwento na ginagawa pa rin nila ito bagama’t marami nang mga palaman ngayon o ‘spread’ na nabibili sa mga tindahan at supermarkets.

“Hanggang ngayon ginagawa pa din namin to.”

“Kahit ngayong may apo na ako gawain ko pa rin yang magpalaman ng condense, hinde ko ipagpapalit sa kahit anong palaman!”

At alam n’yo bang mayroon na ring ibang flavor ng condensed milk? Kaya naman game na game pa rin ang marami sa mga suki ng kombinasyon pandesal at kondensada. Basta tiyakin lang na huwag lalabis at baka kayo ay ma-diabetes.