Sneakers ni Sen. Chiz, dinisenyuhan ng asawang si Heart Evangelista

Image via Heart Evangelista's Instagram account

Pagkatapos magpamalas ng kanyang galing sa sining ng pagpipinta sa kanbas, mga handbag at damit, sapatos naman ang pinintahan ng aktres na si Heart Evangelista na siyang maybahay ni Senator Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Heart noong June 27 ang larawan ng isang pares na puting sneakers na pinintahan niya ng abstract na disenyo at ginamitan ng mga kulay na asul, abuhin, puti at itim,

Ayon sa kanyang post:  “Painted on my husband’s #converse 💙💙💙 #lovemarie @iamlovemarie_e you are one darn lucky husband !  “A” for effort!”

Yes, ito po’y para pala sa kanyang esposong si Sen. Chiz. Kakaiba na ngayon ang Converse na sapatos ng senador at tunay na walang katulad.

Noong Marso ng taong kasalukuyan, minsan na ring nagpamalas ng kanyang artwork ang batikang aktres sa sapatos nang pintahan niya ang puting Adidas Stan Smith sneakers ng kanyang bayaw na isa palang siklista.

Aniya sa kanyang post sa IG: “My brother in law loves to bike…so? Here you go!”

Image via Heart Evangelista's Instagram account
Image via Heart Evangelista’s Instagram account

 

May pangalan na sa larangan ng pagpipinta ang 31 anyos na aktres na negosyante na rin ngayon.

Matutunghayan sa kanyang Instagram account ang marami pa niyang likhang-sining na sadyang kahanga-hanga gaya ng mga sumusunod:

bag
#lovemariepaintedbags #carryyourheART this September 👜🎨 @iamlovemarie_e

 

Beautiful miss Zsa Zsa wearing a #MBXLM
Beautiful miss Zsa Zsa wearing a #MBXLM

 

Loading...