Mga mahihirap pauutangin ni Duterte ng puhunang pang-negosyo

Image capture of video by Bandila via ABS-CBN YouTube Channel

Nangako ang bagong Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Tondo na magpapautang ng puhunan sa mga mamamayang hikahos sa buhay upang makapagsimula ng munting negosyo.

Ang pahayag ng pangulo ay ginawa noong siya ay makipagsalu-salo sa isang hapunan na ginanap sa Delpan Sports Complex sa Tondo. Bumisita siya sa nasabing lugar upang magpasalamat sa suportang ibinigay sa kanya ng mga taga-Maynila noong halalan.

Ayon sa ulat ng Hataw Tabloid, sinabi umano ni Duterte na sa halip na pasukin ang pagbebenta ng ilegal na droga, mas mainam pa na magsimula na lang ng negosyo kahit maliit lamang.

Ang tanging hiling ni Duterte ay ang maibalik sa gobyerno ang puhunang ipahihiram kapag ang negosyong itinatag ay lumago na. Ito ay nang sa gayo’y maipahiram naman ang pera sa iba pang mga Pilipinong nais ding magnegosyo.

“Kaya ‘yung mga kapital na ibibigay ko sa inyo. Maliliit lang naman… sabi ko ‘yung mga anak ninyo baka gusto nilang mag-negosyo, grupo sila at bagong graduate. Instead of going to *****, you might want to put up a business,” ani Duterte.

Nagbigay pa ang pangulo ng isang pabirong payo kung ano ang negosyong magandang pagkakitaan.

“Sabihin ko sa inyo, itong mga panahon, itong mga araw na darating, kung may punerarya ho kayo, kikita kayo nang husto,” sabi niya.

Fact-checked against the following source(s) :

Hataw Tabloid, ABS-CBN, GMA Network

Loading...