Willie Revillame, sobrang saya nang muling makita ang dating kapitbahay

Image capture of video by GMA Network via You Tube channel

Labis na tuwa at pagkagulat daw ang naramdaman ng TV host na si Willie Revillame sa hindi inaasahang panauhin kung kaya’t pansamantalang natigil ang kanyang programang Wowowin noong ika-27 ng Hulyo.

Ayon sa GMA News Online, nabigla si Revillame nang muli niyang makita ang dati niyang kapitbahay na si Aling Juaning. Ito raw ay nakatira sa tapat ng kuwarto na kanilang tinutuluyan noon.

“Kasi natira ako dati sa, kung hindi n’yo alam, sa Caloocan, Bliss. Tama ba ‘yun, maliit na kuwarto lang, sa Blue Spot,” pagbabahagi ni Revillame.

“Tapos naglilinis ako ng jeep, nagkukrudo, nakikinood din ako ng TV sa tindahan. Naalala n’yo ba ‘yon? Kayo po ba ‘yong kapitbahay namin doon sa kuwarto?” patuloy niyang pagbabalik-tanaw.

Katulad ni Revillame, tandang-tanda rin Aling Juaning, na naalala pang nasa elementarya pa noon ang Wowowin host.

“’Pag wala akong makain, ‘di ba nakikikain ba ako sa inyo,” pagsasaad ni Willie na ayaw na sanang ipabanggit sa kanya ng dating kapitbahay.

“Bakit di mo sasabihin, ‘yun ang totoo. Anong pagkain namin lagi? Alam n’yo bang ako ang nagsasaing, ‘yung tubig hanggang dito. ‘Yung kapatid ko inaalagaan ko, ‘yung dalawa, si Albert tsaka ‘yung isa pa. Ako nagsasaing, ako lahat. Alam n’yo ba ‘yung gatas ng kapatid ko, ‘yung am. Wala kaming pera, mahirap lang ang buhay namin. Hindi ako nakakakain ng fried chicken nun, wala lahat ‘yan kasi lagi kami sardinas sa nanay ko at mga tuyo, ‘yan,” kuwento niya pa.

Bilang pagtanaw ng utang na loob at pag-alala sa kanilang pinagsamahan noon ay niregaluhan ni Revillame ng telebisyon, jacket at P20,000 si Aling Juaning.

Sa kasalukuyan, malayo ang iniunlad ng buhay ni Revillame. Mayroon na rin siyang dalawang anak; sina Meryll Soriano na anak niya sa kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-bec, at si Juamee na anak niya sa dati niyang asawa na si Liz Almoro.

Fact-checked against the following source(s) :

GMA News Online, Shafaqna, Facebook

Loading...