Mantsa mula sa fries ang nagbigay ng ideya kay Heart na magpinta sa bags

Imahe mula sa Instagram ni Heart Evangelista

Isang simpleng mantsa mula sa mantika ng French fries ang naging dahilan upang magsimula ang isang bagong kabanata sa buhay ng aktres na si Heart Evangelista — ang pagpipinta ng luxury bags.

Ayon sa GMA News, nalagyan daw ng mantsa noon ang Hermes bag ng Kapuso actress, na ang totoong pangalan ay Love Marie Ongpauco-Escudero, kaya pinintahan niya ito. Nagustuhan ng kanyang mga kaibigan ang kanyang obra at nagsimulang hilingin na pintahan din niya ang kanilang mga bags.

At nagsimula na nga ang bagong kabanata sa buhay ng aktres at maybahay ni Senador Chiz Escudero.

I have clients from [May mga kliyente ako mula sa] Macau. Some are calling from [May mga tumatawag mula sa] Dubai. Nakakatuwa na nakakarating siya ng iba’t iba bansa. Kumbaga ‘yung painting ko, nakakapag-travel din siya,” kuwento niya sa panayam sa GMA reporter na si Lhar Santiago.

Isa sa mga celebrity clients ni Evangelista ay si Jinkee Pacquio, na asawa ng tinaguriang Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao.

When I heard na magpapa-paint siya, hindi ko akalain na magpapadala siya ng dalawang bag. Nakakatuwa kasi she’s very sweet on social media and lagi ka niyang pino-promote,” saad ni Evangelista.

Sa kasalukuyan, may 50 bags pa na nakapila para pintahan ni Heart. Bukod dito, naka-schedule din siya para maglunsad ng isang exhibit para sa kanyang mga painted bag sa Setyembre 3.

“The bag itself costs in the store, would be P500,000. Outside, some people would spend over P800,000 to a million pesos. The bag would be P90,000 for me to paint on [Ang halaga ng bag sa tindahan ay P500,000. Sa labas, may mga gumagastos ng P800,000 hanggang P1 million. Ang bag ay halagang P90,000 para pintahan ko],” paliwanag niya.

I-search ang #lovemariehandpaintedbags sa Instagram para makita ang mga hand-painted bags ni Heart Evangelista.

Loading...