Sen. Chiz, hindi raw nagseselos kahit napapadalas ang kissing scenes nina Heart at Dennis

Larawan mula sa Facebook

Hindi raw nagseselos si Senator Chiz Escudero kahit na napadadalas ang kissing scenes nina Heart Evangelista at Dennis Trillo sa Juan Happy Love Story. Ayon sa Kapuso aktres, naiintindihan daw ng asawa niya ang kanyang trabaho at sinusuportahan talaga siya nito.

“He’s so supportive and open-minded about these things. In fact, nanonood siya!” kuwento ng aktres na ang totoong pangalan ay Love Marie Ongpauco-Escudero.

Sa isang panayam sa PEP, ikinuwento ni Evangelista na mas siya pa ang nako-conscious kapag nanonood ang kanyang mister ng kanyang romantic-comedy soap.

“Kapag may kissing scene, I’m like, ‘Huwag ka na tumingin.’ ‘How did you feel, babe?’ Niloloko niya ako. But he’s not the jealous type. He’s very very mature, I guess. He’s over that [stage na isyu yung ganun],” ani Evangelista.

Bukod sa tiwala sa isa’t isa, nirerespesto rin ng mag-asawa ang kanya-kanya nilang oras.

“I have my own thing. So, it’s not like [I keep on texting him] ‘Uwi ka na, uwi ka na,’” sabi ng aktres.

Dagdag pa ni Evangelista, hindi niya hinahanapan ng oras ang kanyang asawang senador lalo pa’t kapwa sila abala sa kani-kanilang mga trabaho.

“I’ve always been modern in a way when it comes to respecting your time. Do what you have to do, I do my thing, and we just see each other later. It’s refreshing like that,” aniya.

Gayunman, nilinaw ng aktres — at makikita rin sa kanyang Instagram — na may panahon pa rin silang dalawa para lumabas.

Panoorin ang “Juan Happy Love Story: The major balikan”:

Source :

PEP, KAMI, YouTube

Loading...