2 Army personnel huli sa pagnanakaw, pagbebenta ng bala sa mga rebeldeng grupo

Image from MSU

Dalawang sundalo ng Philippine Army ang nahaharap ngayon sa court martial dahil sa pagnanakaw at pagbebenta ng mga bala sa mga rebeldeng grupo sa Basilan.

Sinabi ni Major General Rafael Valencia, ang commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, na si Sgt. Jeffrey Ordoño ay napag-alamang nakapagnakaw ng 1,000 rounds ng bala na ibinenta nito sa mga umano ay rebeldeng grupo sa Basilan.

Ayon sa Philstar, sinabi ni Valencia na ang ginawa ng sundalo ay isang paglabag sa Article of War 85 o ang ilegal na pagbebenta ng armas, bala, uniporme o anumang bagay na ginagamit sa military service na pag-aari ng pamahalaan.

Si T/Sgt. Santiago Caasi mula sa Mechanized Infantry Division ng Army ay nahaharap rin sa kaparehong kaso kaugnay ng pagbebenta niya ng mga bala ng M203, M14, M16 rifles sa black market sa Basilan.

Siguradong mapapatalsik sa serbisyo ang dalawang sundalo kapag napatunayan sa hukumang-militar na sila ay nagkasala.

 

Loading...