Col. Marcelino, itinanggi na may pumipilit sa kanya na tumestigo laban kay Senadora De Lima

Image capture of video by GMA News via YouTube channel

Sa isang ginanap na pulong balitaan, ipinahayag ni Marine Col. Ferdinand Marcelino na wala umanong grupo na pumipilit sa kanya na magbigay ng testimonya laban kay Senadora Leila De Lima.

Ayon sa ulat ng Inquirer, mariing itinanggi ni Col. Marcelino ang pahayag ni Senadora Leila De Lima na mayroong namimilit sa kanya na tumestigo laban sa senadora.

“Categorical ko pong dini-deny na pini-pressure ako o may nananakot o nagko-coerce sa akin on the side of the government upang magsalita laban sa kanya,” ani Col. Marcelino.

Si Marcelino ay dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency na ikinulong matapos mahuli sa loob ng isang shabu laboratiry sa Maynila. Noong Hunyo 21 ng taong kasalukuyan, pinalaya siya dahil wala umanong matibay na ebidensiya laban sa kanya, ngunit binaligtad ng Department of Justice ang desisyon noong Hunyo na nagpawalang-sala sa kanya at muling ibinalik ang mga paratang sa kanya at sinampahan siya ng kaso sa korte.

n

Loading...