Duterte, ‘gracious’ at ‘soft-spoken’ daw, ayon kay Heart

Imahe mula sa Instagram

“Gracious,” “soft-spoken” — ganito ang paglalarawan ng aktres at pintor na si Heart Evangelista kay Pangulong Rodrigo Duterte na nakausap niya kamakailan tungkol sa kanyang mga likhang-sining.

Ayon sa PEP, hindi raw akalain ni Evangelista na makakausap niya nang personal ang pangulo tungkol sa kanyang mga obra, ngunit kamakailan lamang ay nagkaroon sila ng pagkakataong makapagkuwentuhan nang isama siya ng mister niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero.

“He was very, very kind. I didn’t expect him to be very sweet, soft-spoken. Nakakatuwa [Sobrang bait niya. Hindi ko inasahang sweet, at mahinahon siyang magsalita],” ani Evangelista.

“He was very gracious enough to give his time to talk to me or talk to me about my art, made me kuwento about the story of Da Vinci,” sabi pa ng aktress.

Dagdag pa niya, nakatulong sa kanilang pagkikita ang pagiging normal lang ni President Duterte dahil sobra siyang kinakabahan noong una.

“In the beginning, parang I was nervous to meet him din, kasi parang it’s like meeting a president, ‘di ba [Sa simula kinakabahan akong makita siya kasi iba iyong pakiramdam na makita ang presidente]?” aniya.

“So, when I talked to him, he was very casual, very normal. I appreciated it [Kaya  noong nakausap ko siya, na sobrang kaswal at normal lang, pinahalagahan ko talaga],” kuwento pa niya.

Samantala, hindi na nagbigay ng anumang detalye si Heart kung ano pa ang ibang napag-usapan nila ni Pangulong Duterte.

‘Painted bags’

Kilala rin si Evangelista sa pagpipinta sa mga bag. Kabilang sa mga celebrity clients niya si Jinkee Pacquio na asawa ng tinaguriang Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao.

“When I heard na magpapa-paint siya, hindi ko akalain na magpapadala siya ng dalawang bag. Nakakatuwa kasi she’s very sweet on social media and lagi ka niyang pino-promote,” saad ni Evangelista.

I-click ang #lovemariehandpaintedbags (Instagram) para makita ang mga hand-painted bags ni Heart Evangelista.

Source :

PEP, Instagram, IG, DF

Loading...