Matobato, sumali sa DDS upang mabigyan ng hustisya ang ama na pinugutan ng ulo ng NPA

Image from The Trending Facts

Sa Senate hearing noong Huwebes, ika-22 ng Setyembre, isiniwalat ni Edgar Matobato, ang self-confessed na miyembro umano ng Davao ***** Squad (DDS), kung bakit siya sumapi sa grupo ng mga vigilante.

Ayon sa ulat ng Philstar, naging emosyonal si Matobato nang sabihin niya na kaya siya sumapi sa DDS, na aniya ay itinatag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ito pa ang mayor ng Davao City, ay upang makamit ang hustisya para sa ama na pinugutan ng ulo ng mga miyembro ng New People’s Army; ang sandatahang puwersa ng Communist Party of the Philippines.

“Noong nakita ko na pinugutan ng ulo ang tatay ko sa harapan ko, sir, naisip ko sa sarili ko na kapag lumaki-laki na ako ay papasok ako sa anumang klase ng departamento ng gobyerno, sir, para mabigyan ko naman ang tatay ko ng hustisya,” ani Matobato na mangiyak-ngiyak habang ginagawa ang pagsasalaysay.

Isiniwalat rin niya na gusto siyang patayin ng mga dating kasama sa DDS noong magsabi siya sa mga ito na kakalas na siya sa grupo.

“Ang dami nilang inutos sa akin, sir. Pagpatay, pag-ganyan, basta-basta lang silang sumusugod (pumupunta) sa ‘kin, sir… umuutos… tapos ang dami ko nang nalalaman. Gusto naman nila ako patayin para lang ‘wag ako magsalita. Kaya nga pumunta ako dito maski wala akong aral, maski wala akong kwan, sir, kaya nagkusang loob ako, sir, na pumunta, sir. Iyan lang ang sasabihin ko na totoong buhay ko,” sabi niya.

“Sa akin naman… ang gusto ko naman, bago nila ako patayin, mabigyan naman ako ng hustisya,” dagdag pa ni Matobato.

Loading...