Mga dayuhang miyembro ng ISIS nasa Basilan na, ayon kay ARMM Governor Hataman

Public Domain image

Ilang  dayuhang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang nasa probinsiya na ng Basilan, ayon kay Autonomous Region Muslim Mindanao (ARMM) Govevernor Mujiv Hataman.

Ang mga dayuhang ito umano ang nagtuturo sa mga kasapi ng Abu Sayyaf Group kung papaano gumawa ng bomba. Ayon sa ulat ng Abante Tonite, sinabi ni Hataman na kabilang sa mga dayuhang ISIS jihadists ay Malaysian at Jamaican. Hindi pa mabatid kung paano nakapasok ng bansa ang mga ito.

Sa ulat pa rin ng Abante Tonite, ilang dayuhang terorista sa hanay ng Abu Sayyaf ang umano ay napatay ng mga militar noong isang taon pa, subalit hanggang ngayon ay hindi umano inaamin ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines ang presensya ng mga dayuhang ISIS fighters sa Mindanao.

Samantala, nagsagawa ang ARMM, sa pangunguna ni Gov. Hataman, ng isang malaking humanitarian at medical mission sa bayan ng Tipo-Tipo matapos mabawi ng militar ang kontrol ditto mula sa mga bandido.

Nanawagan si Hataman sa mga residente na suportahan ang peace efforts ng pamahalaan.

 

Loading...