Pangulong Duterte, may request na painting kay Heart?

Imahe mula sa Instagram ni Heart Evangelista

Sa naging pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at ng aktres at pintor na Heart Evangelista, humiling nga ba ng painting ang presidente?

Ayon sa GMA News Online, nang makita ni Duterte ang mga obra ni Evangelista, nag-request umano ito ng painting sa versatile artist.

“He joked about me painting The Last Supper and [Nabiro siya na ipinta ko ang Huling Hapunan] at ibahin ko daw ‘yung hitsura ni Judas. Sabi niya, gawin ko raw guwapo naman daw,” kuwento ni Evangelista.

Salaysay pa ng aktres, may nakaaaliw pa raw na ginawa ang pangulo habang nag-uusap sila.

“Meron pa siyang sariling version niya ng story ni (Leonardo) Da Vinci about the painting of The Last Supper. Haba ng kinuwento niya (tapos) inimbento lang pala niya. Super cute!” ani Evangelista.

Nangako ang Kapuso actress na magbibigay ng kanyang artwork sa pangulo pero hindi raw niya sigurado kung The Last Supper dahil medyo madugo raw iyon.

“Sabi ko sa kanya, parang na-pressure naman ako, Mr. President, pero I’ll definitely give him one of my paintings,” siniguro ni Evangelista.

Nagkaroon ng pagkakataong makapagkuwentuhan sina Duterte at Evangelista, kamakailan, nang isama ang aktres ng mister niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero.

“He was very, very kind. I didn’t expect him to be very sweet, soft-spoken. Nakakatuwa [Sobrang bait niya. Hindi ko inasahang sweet, at mahinahon siyang magsalita],” ani Evangelista.

Loading...