[Video] Charm ni Canadian PM Trudeau, ‘di umubra kay Prince George ng Britanya

Image capture of video by ITN via YouTube channel

Tila hindi umubra ang charm ng sikat na Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau sa tatlong-taong gulang na si Prince George; ang panganay na anak nina Prince William at asawang si Kate Middleton.

Sa isang video na ibinahagi ng Manila Bulletin, makikitang sinalubong ni Prime Minister Trudeau sa British Columbia airport ang pamilya ni Prince William na nagtungo sa Canada para sa isang royal tour. Matapos kamayan sina Prince William at Kate, lumuhod si Trudeau upang batiin ang musmos na prinsipe.

Inalok ni Trudeau si Prince George ng high five, ngunit tumanggi ito. Makikita pa sa video ang  pag-iling ng batang prinsipe. Pero tila hindi pa rin nasiraan ng loob ang Canadian prime minister at inalok si Prince George ng low five, isang variation ng high five. Inabot rin ni Trudeau ang kanyang kamay para sa isang handshake, ngunit hindi rin ito kinuha ng prinsipe, na balang araw ay magiging tagapagmana ng trono ng Britanya.

Kinabukasan ay laman ng mga pahayagan sa Canada ang insidente at nagsabing tila hindi umubra kay Prince George ang pagiging charming ng Canadian Prime Minister.

Panoorin ang video:

Loading...