[Video] Huling hapunan: Sawa ***** matapos kumain ng isang antelope

Image capture of video by Mail Online via Social Media's YouTube channel

Isang masibang sawa na may dalawampung talampakan ang haba ang namatay matapos nitong kumain ng isang buong antelope.

Sa isang video na ibinahagi ng Mirror, makikita ang sawa na tila hirap na hirap dahil sa laki ng tiyan nito matapos lunukin ang isang malaking antelope sa Baliavad village sa Gujarat State sa bansang India.

Ayon sa saksing si Sunil Kumar, nakita niya ang sawa na nasa daan at tila hirap na hirap tunawin ang kinain. Halos hindi na umano ito makagalaw dahil sa laki ng tiyan. Aniya, iyon na ang pinakanakagigilalas na pangyayaring nasaksihan niya.

Sinubukan pa umano ng sawa na isuka ang kanyang kinain ngunit hindi nito nagawa, dahilan upang mamatay ito matapos lang ang ilang saglit.

Sinabi ni R Senthilkumaran, isang Deputy Conservator of Forest, na namatay ang sawa dahil sa internal injuries sanhi ng paglunok ng  malaking antelope.

Panoorin ang video:

https://youtu.be/-Q7NctMuu_U

 

Loading...