Reward, inirekomenda para sa mabilis na ikaaaresto ni Ronnie Dayan

Image from Thinking Pinoy

Iminungkahi ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali, ang House Committee on Justice Chairman, na magbigay ng pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroonan ni Ronnie Dayan upang ito ay mabilis na madakip.

Ani Umali, isasangguni pa niya kay House Speaker Pantaleon Alvarez kung magkano ang pabuyang iaalok.

Matatandaang na-cite in contempt at kalaunan ay naisyuhan ng warrant of arrest si Dayan, ang dating driver at sinasabing lover ni Senadora Leila De Lima, dahil hindi ito sumipot sa Kamara nang padalhan siya ng subpoena kaugnay ng imbestigasyon sa malawakang kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Samantala, ayon sa ulat ng Brigada, nauna nang mag-alok ng P100,000 na pabuya ang anti-crime group na Volunteers Against Crime and Corruption(VACC) para sa makapagtuturo sa pinagtataguan ni Dayan.

Fact-checked against the following source(s) :

Brigada, Radyo Inquirer, News Portal

Loading...