8 ******* ng mga biktima ng EJK, natagpuan sa Makati, Pasay

Larawan mula sa Balitang DF

“Huwag tularan karnaper, holdaper, pusher, adik at barker, susunod na kayo.”

Ito ang karatulang nakapatong sa dibdib ng limang ******* ng lalaki na natagpuan sa Lungsod ng Pasay; habang tatlong ******* ng lalaki ang natagpuan sa Lungsod ng Makati.

Ang walong natagpuang ******* diumano ay hinihinalang mga biktima ng extra judicial killings (EJK), ayon sa ulat ng Abante.

Natagpuan din ang mga ******* na nakabalot ng ‘packaging tape’ ang mga mukha, nakatali ang mga kamay at may mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Dakong 10:30 ng gabi­ sa bahagi ng Senator Gil Puyat, Buendia Avenue­ Barangay 37 Zone 3, natagpuan ang ******* ni Dennis Magdilira, 32, taga-Barangay 145; dakong 11:45 ng gabi sa may Chapel Road natagpuan ang ******* ni Efren Escrupulo, 34, walang trabaho, taga-Barangay 76 Zone 10 at ang ******* ni Edgardo Lonseras, 34, taga-Primero de Mayo St., Barangay 88. Ang mga nasabing biktima ay residente ng Pasay City.

Bandang 12:30 ng madaling-araw umano nang madis­kubre ng isang security­ guard ang dalawang ******* ng lalaki sa may Cuneta Avenue, Barangay 77 Zone 10.

Kinilala ang mga biktima na sina June Casan, 54, naninirahan sa Barangay 76 F.B Harrison Barangay 143 at si Ricardo Medina, 22, ng Sarhento Mariano St., Barangay 143.

Mula sa ibinigay na ulat ni Chief Inspector Rolando Baula, hepe ng Station Investigation Detective Management Branch ng Pasay City Police, nakilala ang mga biktima sa pamamagitan ng mga kamag-anak nila na nagpunta sa Rizal ­Funeral Homes.

Ayon sa ulat, pawang mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang at sangkot sa mga kasong robbery hold-up ang mga biktima.

Parehong estilo rin ang ginawa sa tatlong hindi pa nakikilalang ******* na natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa ­Lungsod ng Makati.

Ang unang *******­ ay natagpuan dakong 12:30 ng madaling-araw­ sa Morse St., Barangay San Isidro; ang dalawang ******* naman ay natagpuan dakong ala-una ng umaga sa Mascardo St., Barangay Bangkal, Makati.

Pawang nasa edad na 35 hanggang 40-anyos ang mga biktima; may katamtamang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na t-shirt at maong pants.

May mga nakadikit na papel sa katawan ng mga biktima: “Huwag tularan, bukas kotse, holdaper, tulak droga, holdaper ako”.

Nitong Agosto, natagpuang nakahandusay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na may tama ng baril sa ulo at dibdib at nakagapos ang mga kamay sa NIA Road, sakop ng Purok 5, Barangay Bakal 2, Nueva Ecija, ayon sa ulat ng Abante Tonite.

Loading...