P1-milyong pabuya para sa pagkakaaresto kay Ronnie Dayan, mapupunta sa mga kaanak

Image capture of vide by ABS-CBN via YouTube channel

Ang isang milyong pisong pabuya na inalok ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para sa ikadarakip ni Ronnie Dayan, ang dating tsuper at bodyguard ni Senadora Leila De Lima, ay mapupunta sa mga kaanak ni Dayan.

Ayon sa pangulo ng VACC na si Dante Jimenez, ang mga kaanak ni Dayan ang nagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.

“Sa mga kamag-anak po namin ibibigay (ang reward money) sapagkat ang kondisyon naman po namin ay any lead that will lead to the arrest. Ang arrest naman po it doesn’t matter kung siya ay sumuko o siya ay nadampot,” sinabi ni Jimenez sa isang panayam sa radyo.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi  pa umano ni Jimenez ang kanilang pagtutol sa mga nagmumungkahi na ibigay sa mga pulis ang bahagi ng pabuya.

Aniya, hindi magandang ehemplo na bigyan ng pabuya ang mga pulis para gawin ang trabaho nila.

 

Fact-checked against the following source(s) :

ABS-CBN

Loading...