Magsusumbong ng mga “indiscriminate firing”, bibigyan ng reward

Image capture of video by Kwentology via YouTube channel

Naglaan ng pondo ang pamunuan ng Northern Police District (NPD) para sa pabuyang ibibigay sa mga taong magsusumbong hinggil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa ulat ng Pang-Masa, sinabi umano ni NPD Director Senior Superintendent Robert Fajardo na ang pabuya ay isang paraan upang mahikayat ang publiko na isuplong sa pulisya ang mga taong magpapaputok ng kanilang baril sa bisperas ng bagong taon.

Ani Fajardo, maaaring isuplong ang mga pasaway na magpapaputok sa pamamagitan ng pagpapadala ng picture o video ng aktwal na pagpapaputok ng baril sa NPD React Facebook at Twitter accounts at maaari ding tawagan ang NPD Hotline numbers: 287-3717 (landline), 0920-8684916 (Smart), 0917-3885970 (Globe).

Maari ding itawag ang sumbong sa Dial 911.

Dagdag pa ni Fajardo, magpapakalat siya ng mga pulis sa mga istratehikong lugar sa  Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela upang magbantay at humuli sa mga ilegal na magpapapaputok ng baril.

Nauna na rito, nagbabala si Philippine National Police (PNP) Chief na hindi sasantuhin ng PNP ang mga walang habas na magpapaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon, pulis man o sibilyan.

Fact-checked against the following source(s) :

Pang-Masa, ABS-CBN

Loading...