Barbero, binatikos ng mga magulang dahil humihingi ng dagdag na bayad kapag umiyak ang batang ginugupitan

Alam ng bawat magulang na talagang pahirapan kung minsan na pagupitan ang kanilang mga paslit na anak.

Sa Australia, isang barbero ang binatikos ng mga magulang dahil sa ipinaskil nito sa kanyang barber shop na magdadagdaga siya ng singil sa mga batang iiyak kapag ginugupitan niya.

Ayon sa Daily Mail, isang ina ang nagbahagi sa isang Facebook group ng mga nanay ng patalastas na ipinaskil sa hair salon. Ayon sa kanya, ang larawan ay ipinadala lang daw ng isa niyang kaibigan.

Ganito ang nakasulat sa paskil: “Dear Customers, any children that cry during a children’s haircut will result in a $10 increase in price.”

[Dear Customers, sino mang bata na umiiyak habang ginugupitan ay magreresulta sa $ 10 na karagdagan sa presyo.]

Tinawag ng mga magulang na nagkomento sa post ang ipinaskil ng barber shop na “katawa-tawa at “iskandaloso.”

Sabi pa ng isa: “To be honest, napaka-istupido noon. Siguro walang anak ang barber.”

Ito ang ipinaskil sa hair salon:

Image from Facebook via Particle News

Loading…