Chinese national na konektado kay Lt. Col. Marcelino sa drug case umaasang lalabas rin ang katotohanan

Ang Chinese national na si Yan Yi Shuo, alyas Randy, na nauna nang nahuli noong ika-21 ng Enero 2016 kasama ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino ngunit nakapagpiyansa noong Hunyo 2016 ay kusang sumuko sa National Bureau of Investigation noong Martes, ika-3 ng Enero.

Sumuko si alyas Randy matapos maglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 49 laban sa kanya at kay Marcelino. Si Marcelino ay nauna nang sumuko.

Ayon sa Inquirer, sinabi  umano ni alyas Randy na umaasa siyang lalabas rin ang katotohanan.

“The truth will, sooner or later, come out,” pakli ni Randy.

Muli niyang inulit na kaya sila naroroon sa isang unit sa Celadon Residences na umano’y isang shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila kung saan may nadiskubreng shabu na nagkakahalaga ng P380 milyon, ay para sa beripikasyon ng lokasyon niyon. Naroon umano sila ni Marcelino para sa isang anti-illegal drug operation.

Ani Randy, sumuko siya upang linisin ang pangalan nila ni Marcelino.

 

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…