Lalaking hindi naniniwala sa extra-terrestrials, hindi maipaliwanag ang nakunan niyang litrato ng “spaceship”

Isang lalaki na nagsabing hindi siya naniniwala sa mga extra-terrestrials o nilalang mula sa ibang planeta, ang nagugulumihanan na nakunan niyang larawan.

Ang kakaibang bagay ay nakita at nakunan ng litrato ni Chad Haines na lumilipad sa ibabaw ng Random Island sa Canada. Ang larawan ay ibinigay niya sa isang Canadian News site at sinabi niya sa mga reporters doon na siya umano ang huling tao na maniniwala sa mga aliens.

Pero matapos niya raw makita ang tila isang spaceship na lumulutang malapit sa kaniyang bahay, hindi niya raw kayang ipaliwanag kung ano ang bagay na iyon.

Sabi ni Haines, sigurado siyang hindi isang eroplano ang nakita niyang unidentified flying object (UFO). Malaki naman daw masyado ang UFO para maging isang drone.

Ayon sa ulat ng Mirror, in-upload sa YouTube ni Tyler Glockner, isang  UFO hunter at founder ng  Secure Team 10, ang larawang kuha ni Chad Haines. Isinalarawan ni Tyler ang UFO na kahawig ng Star Trek ship mula sa serye sa telebisyon na may kaparehong pamagat ang bagay na nakita ni Mr. Haines.

 

Loading…