Matapos Sumuko, Civilian Agent na Nauugnay sa Jee Kidnap-slay, Humiling ng  Protective Custody

Public Domain

Matapos sumuko ay humiling ng protective custody  ang isang civilian agent ng National Bureau of Investigation (NBI) na nauugnay sa Jee Ick-Joo kidnap-slay; ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong Linggo.

Dagdag ni Aguirre, si Jerry Omlang, kinilalang “Alyas Jerry” ng mga awtoridad, ay sumuko sa NBI nitong Biyernes at humiling  ng protective custody.

He asked for protective custody from NCR NBI,” ayon sa text message na ipinadala ni Aguirre.

Nauna nang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na may dalawang  civilian agents ng NBI ang sangkot sa abduction at killing ng South Korean businessman; ayon sa ulat ng GMA.

Magugunitang si Jee ay dinukot sa kaniyang bahay sa Angeles City, Pampanga noong ika-18 ng Oktubre 2016. Siya ay pinaslang sa loob ng Camp Crame sa parehong araw.

Ani Dela Rosa, si “Alyas Jerry” ay driver umano ng NBI director.

Dagdag pa nito, nakita rin sa CCTV footage si Alyas Jerry kasama si Senior Police Officer 3 Ricky Sta. Isabel na nag-withdraw ng pera sa  ATM sa Greenhills, San Juan City.

Hindi naman pinangalanan si Dela Rosa ang ikalawang NBI civilian agent.

Loading...