Nawalang P3-M, Importanteng Dokumento Naisauli sa May-ari

Imahe mula sa Mountain Recovery Albuquerque via Wikipedia

Ang katapatan ang pinakamahusay na panuntunan.”

Halos gumuho ang mundo ng isang negosyanteng may-ari ng bag na naglalaman ng halos P3 milyong tseke at cash matapos mawala ang mga ito nang magtungo siya sa isang District hospital sa Roxas noong Huwebes.

Walang siyang kamalay-malay na nahulog ang kanyang bag sa compound ng Manuel A. Roxas District Hospital; ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Nagtungo umano si Hilario Nortado sa naturang ospital upang ilipat ang kanyang biyenan na nasa Emergency Room sa isang ospital sa Alicia, Isabela.

Suwerte namang ang bag ay napasakamay ng apat na taong matapat. Kaya naman todo-todo ang pasasalamat  ni Nortado, residente ng Roxas, Isabela, nang malaman niya na nasa pag-iingat na ito ng himpilan ng Bombo Radyo Cauayan matapos itong dalhin ng apat na katao.

Tinawagan umano siya sa kaniyang puwesto sa Roxas, Isabela upang ipagbigay-alam sa kaniya na may mga nagsauli ng kanyang bag — na maliban  sa salapi at mga tseke ay naglalaman din ng mga importanteng dokumento para sa kanyang negosyo tulad ng blue book na listahan ng kanyang mga supplier.

Labis ang pasasalamat ni Nortado sa mga nagsauli ng bag na sina Joeffrey Mercado ng Rizal, Roxas, Isabela, utility worker; Armando Esteban, operating room aid na residente ng Baringin Sur, Cauayan City at mga security guard na sina Benizer Abad ng San Antonio, Roxas, Isabela, chief security ng ospital at Gerald Abalos ng Furao, Gamu, Isabela.

Bilang token ng pasasalamat ay binigyan ni Nortado ng salaping pabuya  ang apat na matapat na nagsauli ng kaniyang bag.

Fact-checked against the following source(s) :

Bombo Radyo

Loading...