Piloto, arestado matapos mawalan ng malay sa loob ng cockpit dahil sa kalasingan

Isang Canadian pilot ang inaresto ng mga awtoridad matapos niyang mawalan ng malay dahil sa kalasingan.

Ayon sa The Straits Times ang lalaki ay piloto ng Sunwing Airlines at siya ay inaresto noong ika-31 ng Disyembre. Nakatakda sanang imaniobra ng piloto ang eroplano palabas ng Calgary airport sa western Canada nang mawalan ito ng malay.

Ang 37-anyos na piloto ay natagpuang walang malay sa loob ng cockpit ng eroplano dakong 7 ng umaga. Patungo sana ito sa Cancun, Mexico.

Ayon sa mga flight crew, mapansin nila ang kakaibang kilos ng piloto bago ito himatayin. Agad nilang inalerto ang mga awtoridad. Binitnit palabas ng eroplano at idiniretso sa kulungan ang lasing na piloto. Nahaharap ito sa patung-patong na reklamo.

Nagpasalamat naman ang tagapagsalita ng Sunwing sa flight crew sa maayos nilang pagtugon sa hindi magandang insidente.

Ibang piloto ang nagpalipad sa naantalang Sunwing flight sakay ang 99 na pasahero.

 

Loading…