Walang ulong katawan ng babae sa Bulacan at ulong natagpuan sa Makati, nagtugma

Image of body from Twitter/Image of Richelle Sagang from Inquirer

Ang pugot na ulo ng babae na natagpuang palutang-lutang sa isang creek sa Makati at ang katawang walang ulo na natagpuan sa Bulacan ay nagtugma.

Kinilala ng magsasakang taga-Zamboanga del Norte na si Noel Sagang na ang ******* ay ang 17-anyos niyang anak na si Richelle Sagang; isa umanong kasambahay sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Ayon sa imbestigador ng kaso, naituro rin ng ama ang mga palatandaan sa katawan ng anak tulad ng nunal sa braso nito.

Magkagayunpaman, hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng DNA test upang makumpirma na ang biktima ay anak ni Noel Sagang.

Ayon sa ulat ng Philstar, sinabi ni Supt. Rainier Valones, hepe ng Sta. Maria, Bulacan Police, na may suspek na sila sa karumal-dumal na krimen, ngunit hindi pa ito nagbigay ng detalye maliban sa isa umanong “crime of passion” ang kaso.

Nagsagawa ng isang case conference noong Lunes, ika 23 ng Enero, sa Southern Police District ang mga imbestigador mula sa Bulacan, Makati at Muntinlupa upang magkumpara ng kanilang mga tala tungkol sa kaso.

Loading...