Derrick, bobosesan ang karakter ni Steve sa Voltes V

Mga imahe mula sa Instagram

Muling ipalalabas sa telebisyon ang anime na minahal ng marami — ang Voltes V! At sa pagbabalik nito, bibigyan ng tinig ni Kapuso actor Derrick Monasterio ang karakter na si Steve Armstrong.

Sa Instagram, inanyayahan ni Monasterio ang kanyang mga followers na subaybayan ang pagbabalik ng anime na ipalalabas sa GMA Network.

Hi, guys! I’ll be doing Steve Armstrong’s voice in Voltes V starting Monday – March 27 (8:25 a.m.). Stay tuned!” wika ni Monasterio sa caption ng collage na in-upload niya.

[Hi, guys! Ako ang magboboses sa karakter ni Steve Armstrong sa Voltes V na ipalalabas simula sa Lunes, ika-27 ng Marso, 8:25 ng umaga. Antabayanan ninyo!]

Sa susunod na Linggo, makikilala na ng bagong henerasyon ng mga kabataan sina Big Bert, Little John, Jaime Robinson, Mark, at Steve — isang grupo na magkokontrol sa higanteng robot na tinatawag nilang Voltes V.

Panoorin ang isang video clip mula sa Voltes V:

Loading...