Kaso ng mga nawawalang babae na natatagpuang ***** sa Zamboanga City, ikinababahala na ng mga residente

Images from Facebook

MAYNILA, Pilipinas – Lubhang nababahala na ngayon ang mga residente ng lungsod ng Zamboanga matapos ang halos magkakasunod na kaso ng mga nawawalang babae na natatagpuang ***** doon.

Isa sa pinakahuling biktima ay nakilalang si Maria Clariz Faylona, 23-anyos at estudyante ng Zamboanga State College of Marines Science and Technology (ZSCMST). Siya ay napaulat na nawawala noong ika-2 ng Abril.

Natagpuan ang kaniyang hubad na ******* matapos ang isang linggo sa Barangay Pasonanca; mga 2 kilometro ang layo sa kanilang tahanan. Halos hindi na makilala ang mukha ng biktima dahil umano sa tinamong bugbog nito.

Nitong Enero 4, napaulat ding nawawala ang 20-anyos na si Erica Jean Rosal. Natagpuan ang kaniyang ******* makaraan ang dalawang araw sa may Barangay Lunzuran. Tulad ni Maria Clariz, hindi rin halos makilala ang labi ni Erica dahil sa tinamong pinsala nito dahil sa bugbog. Nakatali ang kaniyang leeg at bibig nang matagpuan ang biktima.

Si Erica ay estudyante rin ng ZCMST at parehong miyembro ng isang dance group.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sina Erica at Maria Clariz ay ilan lamang sa pinakahuling kaso ng mga nawawalang babae at natatagpuang ***** sa lungsod na hind pa nareresolba ang kaso, bagama’t may napaulat nang isang suspek na naaresto umano sa kaso ni Erica.

Subalit mariin namang itinanggi ng suspek na si Jeffrey Ysores na siya ang nasa likod ng pamamaslang sa estudyante.

Ilan pa sa mga naunang kaparehong insidente ay ang kaso nina Maricel Macrohon, isang 33-anyos na labandera na natagpuang ***** noong Oktubre 4, 2016, at ni  Mary Jane Herrera, 16-anyos na estudyante na nawala noong Nobyembre 2015.

Natagpuan ang labi ni Mary Jane na isa nang kalansay makaraan ang halos isang buwan sa Barangay Pasay.

Maliban sa apat na nabanggit, mayroon pa umanong ******* ng dalawang babae ang natagpuan nitong mga nagdaang buwan na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala.

Ayon kay Senior Supt. Luisito Magnaye, hepe ng Zamboanga City police, patuloy pa umano ang kanilang imbestigasyon sa mga naturang kaso.

Samantala, ipinag-utos naman ni Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar na madaliin ang pagresolba sa mga  naturang krimen at payuhan ang mga magulang na dobleng pag-iingat para sa kanilang mga anak.

Loading...