Pang. Duterte, hihingi ng permiso sa Middle Eastern countries para magtayo ng ospital para sa mga OFW

Image from Saudi Press Agency

Sa kanyang pagbabalik sa bansa mula sa pagbisita niya sa tatlong Middle Eastern countries, isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano niyang magpatayo ng ospital na eksklusibong magsisilbi sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Middle East.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ng Pangulo na isa sa mga hinihingi ng mga OFW ay ospital.

“Ang hinihingi rin nila is kailangan nila ang ospital,” anang Pangulo.

Aniya, maghahanap siya ng pondo para sa balak na itayong maliit na ospital – isang general hospital – na magsisilbi sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga kababayan na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan. Hihingin niya umano ang permiso ng mga lider ng mga bansa doon.

Isang prayoridad daw ang ospital doon dahil marami umanong mga OFW na hindi makauwi pero may medikal na pangangailangan.

Isa pa lang raw plano ang pagpapatayo ng ospital na dumedepende pa sa ibibigay na permiso ng mga Middle Eastern countries.

Loading...