Pangulong Duterte, Inimbitahan sa White House ni Pangulong Donald Trump

Imahe mula sa Rappler Twitter Account

Inimbitahan ni Pangulong Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte sa White House matapos makapag-usap ng dalawang lider nitong Abril 29  na tumalakay din sa panrehiyong seguridad particular sa North Korea.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang White House sa napipintong paghaharap ng dalawang lider upang talakayin ang kanilang alyansa. Ngunit kinumpirma ng Malacañang ang  pagdalo ni Trump sa Nobyembre para sa East Asia Summit (EAS).

Ilan sa mga napag-usapan  nina Trump at Duterte ay ang commitment ng Estados Unidos sa Philippine-U.S. alliance; mga concerns hinggil sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN); panrehiyong seguridad partikular sa naging pagbabanta ng North Korea.

Ayon sa tagapagsalita ni Duterte, nagpahayag din daw si Trump ng kaniyang pagnanais na magkaroon ng “warm” working relationship kay Pangulong Duterte.

It was a very friendly conversation, in which the two leaders discussed the concerns of the Association of Southeast Asian Nations regarding regional security, including the threat posed by North Korea,” ayon sa pahayag ng  White House.

Dagdag pa nito na inimbitahan ng White House si Duterte upang talakayin ang kahalagahan ng  alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos na ngayo’y patungo sa positibong direksiyon.

Wala pa umanong kumpirmasyon kung tinatanggap na ni Duterte ang imbitasyon ni Trump; ayon sa ulat ng PhilStar.

Napansin ni Presidential spokesman Ernesto Abella, ang “friendlier attitude” ni Duterte  kay Trump kaysa sa kay Barack Obama na minsan na niyang sinabihan ng  “go to hell” dahil sa pagbatikos nito sa kaniyang drug war.

 

Fact-checked against the following source(s) :

PhilStar, GMA, Bombo Radyo