Samboy Lim nagdiwang ng ika-55 kaarawan kasama ang pamilya

Image from Samboy Lim's Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Nagdiwang ng kaniyang ika-55 kaarawan ang tinagurinag “The Skywalker” ng Philippine Basketball Association (PBA) legend na si Samboy Lim kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay nitong ika-1 ng Abril.

Ibinahagi ng kaniyang pamangkin ang larawan ni Samboy kasama ang kaniyang anak na si Jamie Christine at dating asawa na si Darlene Marie Berberabe. Kuha umano ang larawan sa tahanan ng PBA star sa Blue Ridge kung saan siya umuwi matapos ang ilang buwang pananatili sa pagamutan.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ang larawan ni Samboy simula noong siya’y ma-stroke habang naglalaro sa Ynares Center sa Pasig City noong November 28, 2014. Dito ay makikitang nakangiti at mukhang masaya si “The Skywalker”.

Nag-viral kaagad ang larawan ng sikat na PBA player at maraming fans ang natuwa at nagpaabot ng pagbati kay Samboy.

Ayon sa kaniyang dating misis na si Darlene, mabuti na umano ang kondisyon ni Samboy dahil nakakaupo na ito bukod sa nakakarinig, nakakangiti at nakakatawa na rin.

Image capture of post by Samboy Lim's Facebook page
Image capture of post by Samboy Lim’s Facebook page

“I got clearance from the doctors recently, kaya nung April 1 we thought this was a special day for Samboy. I said this is the day that we will bring Samboy out,” kuwento ni Darlene sa panayam ng ABS-CBN News.

Sa panayam naman ng Spin kay Danielle Wicklund, ang pamangkin ni Samboy na nag-upload ng larawan sa Facebook, nasaksihan niya umano kung paano inasikaso ng mag-ina ang pag-uwi ng kaniyang tiyuhin sa kaniyang tahanan.

“Aunt Lenlen (Darlene) made sure an ambulance was on standby, while Ate Jamie lovingly watched over her dad with so much love and concern,” ani Danielle.

“Everybody had tears of joy, while they sang happy birthday to the Skywalker. Later that day, Fr. Gigi Yabut offered Holy Mass for the special intention of continued healing,” dagdag pa nito.

Loading...