[VIRAL]  Jollibee mascot, sumayaw ng  ‘Versace on the Floor’

Imahe mula sa Facebook account ni Tanner Mata

“Bida ang saya!”

Ayon sa tagline ng isa sa pinakatanyag na fast food chain sa Pilipinas, muli na namang bumida si Jollibee at sa pagkakataong ito’y sa larangan ng pagsayaw.

Nag-viral ang video na ibinahagi ni Tanner Mata sa kaniyang Facebook page, kung saan ay mapanonood ang pagsayaw ni Jollibee ng ‘Versace on the Floor.’ Ngunit kapansin-pansin sa video na hindi children’s party ang naturang okasyon at tila nagkakatuwaan lang.

Umani naman ng paghanga ang ginawa ng mascot na ito na nagpasaya rin sa maraming netizens.

Bida ang saya, the thing is jollibee is not just for kids… 👍🏻 they can handle party packages for adults too. i so love jollibee!!!”

“its not the price kung magkano ang binabayad sayo as mascot. but, its the thought kung pano papasayahin ang tao. that’s priceless. keep that in mind. bida ang saya.”

Ayon sa nag-post ng video, sarado pa ‘yung mall nang time na ‘yun, at puro mga empleyado lang ng jollibee ang naroon at hindi actual kids party. “Sila sila lang po ‘yan. Nagkatuwaan lng.” Lumalabas na hindi umano batid ng mga tao  na nasa loob ng Jollibee na inupload pala yan ng kasamahan niya.

May mga netizen na nagsasabing may nilabag umano sa panuntunan ng kumpanya ang pagsayaw ng mascot:

“Former Jollibee marketing in-charge here. As per company marketing standard jollibee isnt allowed to dance that way! How can they let such happen? Yes, we too adults love the jolly bee, but we need to understand also that most of the kids look upto his wholesome image. To the jollibee store who let this happen whats wrong with you guys?!”

“Nanganganib si brader! Alam mo ng bawal na ngaun yan… kahit kmi gusto rin nmin mag sayaw ng modern, kaso wala kming magawa kng d sumunod sa marketing.”  

As of this posting ay wala pang tugon ang pamunuan ng Jollibee hinggil sa viral video na ito.

Source :

Facebook, ABS CBN

Loading...